Thursday, June 12, 2014

Bukas na Pinto

Sayang naman.
Bumukas ang pinto
Pero hindi ka pumasok.
Dahil ba maaga pa?
Wala bang kutitap?
O dahil mahaba pa
Ang kalyeng makurap?
Sinundan mo ba
Ang mabilis na kislap?
Di mo ba alam,
Kaya nakikita ang kinang
Sa dilim siya nakalagak?
Ngayon, naligaw ka na
Ang pinto, nasan na?

Posted via Blogaway


Posted via Blogaway

No comments:

Post a Comment