"Really? You want me to write that?"
Yes, my friend asked me to write a wedding speech for her mother-in-law who is going to speak at the wedding of his son. She said she thought of me because I wrote well.
My dear, being able to write well does not mean I can write a wedding advice that should sound like it came from a marriage veteran. I have only been married for 6 years after all. Well, she insisted. So I prayed, breathed in and mustered all the bits of wisdom that I collected from my mentors, friends and my own experience. I tried my best to make it sound motherly. Here is what I came up with and what I actually sent her:
Sa totoo lang, marami nang mga mensahe tayong naririnig tungkol sa pag-aasawa na masyado nang paulit-ulit kaya hindi na talaga tumitimo sa mga bagong kasal or sa mga nakikinig nito. O kaya, hindi na relevant. Ayoko nang sabihin yung tungkol sa kaning mainit. Gasgas na masyado yun.
Sa halip, gusto ko kayong lumabas mula sa kasal ninyo ngayon na tinatandaan ito: Kailangang manguna sa inyo ang Panginoon sa buhay mag-asawa ninyo. Lagi na rin natin naririnig iyan pero minsan, tanong natin: "Ano ba talaga ang ibig-sabihin niyon?"
Ang ibig sabihin no'n ay sa lahat ng gagawin ninyo bilang mag-asawa, dapat mapapangiti ninyo ang Panginoon. Sa totoo lang, maraming pag-aaway ang nangyayari dahil sa sapawan, pataasan ng pride, tama ako, mali ka. Hindi naman kailangang ganun. Ang mahalaga ay alam ninyo kung ano ang role o gampanin na in-assign sa inyo ng Panginoon. Tutal, Siya naman ang nag-imbento ng kasal e.
[Name of man], ang assignment ng lalaki ay mahalin ang asawa mong babae tulad ng pagmamahal ni Hesus sa mga mananampalataya. Kailangang mahalin mo ang asawa mo hanggang sa punto na handa kang mamatay para sa kaniya.Provide for her, provide for your children with everything that you have, listen to her, always tell her that she's beautiful kahit ilang beses na niyang naitanong sa iyo iyan. Show her your manly strength by being gentle. With the way you speak and act. Ang totoong lakas ay hindi nakikita sa ka-bruskohan o sa lakas ng boses. Nakikita iyan kung kaya mong maging kalma at malinaw ang pag-iisip kahit ang buong paligid mo ay nawawasak na. If you want your wife to respect and submit to you, then you should claim responsibility for your actions and decisions. Most of all, always assure her that she is the love of your life. That way, mapapalabas mo ang totong yumi ng asawa mo. Igagalang ka niya at magpapasakop siya sa iyo.
[Name of woman], ang assignment ng babae ay suportahan ang asawang lalaki. Paano? Irespeto mo siya at magpasakop ka sa kaniya. Ang lalaki kasi, gusto niyan na lagi kang hanga sa kaniya. Babatiin mo kung ano yung mga mabubuting nagagawa niya. Ikaw dapat ang unang tao na makikinig sa kanya kapag may problema siya. Lalong ikaw dapat ang magpapalakas ng loob niya kapag pumapalpak siya. Isang malaking pagkakamali ng mga kababaihan ang hiyain ang asawa nila, lalo na in public. Pinaka-importante na maibibigay natin sa asawa nating lalaki ang respeto. Ikaw dapat ang best friend niya. Sa totoo lang, gusto nilang maramdaman na sila ang “hero” sa buhay mo. Alam ko na hindi madali iyan. Kasi darating ang panahon na may mga pagkakamali ang asawa mo na maaaring magtanggal ng respeto mo sa kaniya. Minsan may mga desisyon siya na mukhang saliwa o hindi maganda ang diskarte. Minsan tatanungin mo sa sarili mo: “Susunod ba talaga ako sa gustong mangyari ng asawa ko kahit mukhang mas magaling naman ang desisyon ko sa kaniya?” Gusto kasi nating mga asawang babae na siguraduhin na mabuti ang lahat, ‘di ba? Kaya tayo na lang ang mangunguna sa lahat. Pero minsan, kailangan natin silang hayaang mabigo para matuto sila at maging malakas na sila sa susunod. Alam mo, sa bandang huli, kung ang talagang goal mo ay ang mapangiti at matuwa ang Panginoon sa iyo, kahit hindi ka sigurado, susunod ka sa tinakda ng Diyos sa iyo na mag-submit sa asawa mo. Ang tawag doon ay pananampalataya. Kapag natuto kang sumunod at magpasakop sa asawa mo “by faith” ika nga, mas makikita mo na pagpapalain ng Diyos ang buhay ninyo. At habang lalo mo siyang nirerespeto, lalo siyang matututong maging malambing at mapagmahal sa iyo.
Mahal ko kayo. Pagpalain nawa ng Diyos ang pagsasama ninyo.
My friend said her mother-in-law and other guests cried while listening to this. I am humbled by that because only the Lord can teach me these things. I am sharing this to you, too, my friend, whether you are married or single. I hope it will also give you some new insights about marriage. :-)
No comments:
Post a Comment