Thursday, January 20, 2011

#23: Usapang Magkakapatid na Nicomedes

Katatapos lang namin manood ng Terminator 3: Rise of the Machines. It'll be better if you read its synopsis first so the senseless conversation below will make sense for you. It's irrelevant who said what. Basta kaming tatlong magkakapatid ang nag-uusap dito:


***START OF CONVERSATION***
Ano kaya? Gawa tayo ng business. Home theater for rent. 'Di ba, magdadala lang sila ng sarili nilang DVD, ok na sila.


Oo, okay yun. Parang Red Box pero pelikula.


Kaya lang malaki ang investment sa ganun, baka kailangan natin ng mahigit 1million dun.


Hay.


*silence*


Grabe ano? Di ba yung mga futuristic na pelikula, minsan nagkakatotoo? Ano kaya kung ang internet nga or cyberspace ay isang malaking artificial intelligence nga at inuuto na tayo?


Oo, baka self-aware na ang cyberspace tapos gumagawa sila ng isang malaki, matagal at complicated na strategy para ang mga tao, maging unable nang lumaban.


Parang yung sa Wall-E.


Oo.


Tapos baka tinuturuan ang taong hindi makipag-interact personally, ginagawa tayong mga loners. Hindi na tayo marunong ng harapang teamwork para hindi na tayo makalaban sa mga machines.


Kaya siguro nial inimbento yung Facebook!


Oo, tapos kapag nag-rise nayung machines, hindi na natin alam kung paano makipag-usap sa isa't-isa kasi puro YM na lang tayo.


Tapos ang magiging pag-asa pala ng sangkamundohan ay yung mga nakikita natin sa picture na mga malnourished na may bitbit na baby. Kasi sila lang yung magaan enough tsaka may teamwork enough to actually move and fight.

Oo nga. Kasi Yung mga tribo at mga nasa poverty area, walang internet! Yung dating mga kawawa, sila pala yung magiging heroes of the world!

Uy, ok yan a. Parang pwedeng pelikula. 

O kaya comics. Kuya Junn, baka pwede mong gawing comics yung storya nain.

Oo, ibenta natin tapos yayaman tayo. Magiging milyonaryo tayo.

Tama, tapos mag-business tayo nung home theater for rent.

Alright.

*** END OF CONVERSATION***

Now you know what kind of family I came from.

No comments:

Post a Comment